The Calm After the Storm

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ibahagi ang kabutihang ginawa sa akin ng Panginoon noong sumama ako sa Mindoro. Siguro una sa lahat nagpapasalamat ako sa pagkakataon na makasama bilang isang “volunteer” ng MAP. Sa probisyon ng Panginoon sa pinansyal at proteksyon sa loob ng isang buong lingo at higit sa lahat sa kaluwalhatian ng Panginoon na ipinakita Niya sa akin sa buong linggong paglalakbay.

Maraming mga bagay akong inasahan noong sumama ako, akala ko tamang monitoring lang ang mangyayari pero mali pala ako. Mas matindi pa pala ito sa inaasahan ko. God revealed Himself in so many ways. Actually it was my first time to involve with this kind of trip. This is not just a trip but a journey with God. So many things happened pero i-highlight ko na lang yung mga pangyayaring hindi ko malilimutan sa buong buhay.

There are two major things that God really spoke to me.

Una, noong pabalik na kami sa Brgy. Poblacion sa Abra de Ilog galing kami sa Pandanan. Doon ay nakilala ko sila Pastor Orly at ang iba pang mga nakatira sa lugar na iyon. Sobrang blessed ako sa mga taong nakatira doon kung paano sila naglilingkod sa Panginoon at namumuhay ng payapa.

sarah2

Noong umalis kami sa lugar na iyon sakay kami ng isang bangka. Maganda naman ang panahon ng mga oras na iyon at habang kami ay naglalayag sa karagatan, something went wrong! Namatay ang makina ng bangka. I was so afraid because I knew something might happen to us. Then suddenly a furious storm came, at palubog na ang aming bangka dahil may tubig na rin ito sa loob. Hindi ko alam ang gagawin ko. I was so scared. I thought I was going to die that time. Malakas ang hampas ng alon at malakas ang buhos ng ulan. “Oh God, help us!” At biglang may dumating na dalawang bangka sa gitna ng kawalan. “Praise God!, Thank you God!” Nakahinga ako ng maluwang, hanggang sa makarating kami sa pangpang. Doon tumigil na din ang malakas na ulan. That was the time I realized what God was trying to tell me. It reminded me of my faith. Yung little faith na mayroon ako noong oras na iyon, na nakalimutan ko na may Saviour ako na makapangyarihan sa lahat, God revealed Himself kung paano Siya in control sa lahat ng bagay. Tunay na buhay at makapangyarihan ang Diyos. It was a testifying experience for me. It reminded me of my salvation also  na bakit pala ako matatakot kung alam ko namang ligtas na ako. Sa mga ganoong sitwasyon dapat ay buong puso nating pinagkakatiwalaan ang Panginoon na siyang may hawak ng ating buhay. This reminded me of the passage in Matthew 8:24-27.

 

Pangalawa, noong pumunta kami ng Sitio Ambang sa bayan ng Puerto Galera, first time kong umakyat ng bundok at maglakad at tumawid ng ilog nang ganoong kalayo. It reminded me yung journey ni Jesus na pumupunta sa malalayong lugar para ibahagi ang mabuting balita. Naisip ko yung hirap na nararanasan ko ay wala pa sa hirap na nararanasan ni Jesus lalo na sa krus ng kalbaryo.

ambang

Noong makarating naman kami doon ay hindi naging madali para sa akin ang buhay dahil iba ang klase ng pamumuhay nila doon. Walang kuryente, walang signal at walang tubig. Sa loob ng tatlong araw naming pag-stay doon, God spoke to me sa mga bagay na nakita, naranasan at narinig ko. Noong time na pauwi kami, hindi ko mapigilan na hindi umiyak. While I was walking in the woods, umiyak na talaga ako. I saw myself in the community-something touched my heart at napamahal na ako sa mga tao kahit sandali lang kami doon. Parang may sinasabi si Lord pero kung ano man yun ay alam ko na mas maganda ang plano Niya para sa akin. Masasabi ko na ang Sitio Ambang ang pinakamagandang lugar na napuntahan ko sa loob ng isang buong linggong paglalakbay namin.

sarah

I am so thankful sa lahat ng mga nangyari sa akin. Puno ng pasasalamat sa Panginoon. Sana ay hindi lang doon nagtatapos, nawa’y gamitin pa ako ni Lord bilang kanyang isinugo.

by: Sarah Macawile, volunteer

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s